Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inilabas na ng Professional Regulation Commission ang pinakahihintay na resulta ng November 2022 Nursing Licensure Examination nitong Miyerkoles, Nobyembre 30.

Inanunsyo ng PRC na 18,529 sa mga examinees na may kabuuang bilang na 24,903 ang pumasa sa nasabing pagsusulit.

Ang PNLE November 2022 ay ibinigay ng Board of Nursing na binubuo nina Elsie A. Tee, Chairman; Carmelita C. Divinagracia, Elizabeth C. Lagrito, Zenaida C. Gagno, Marylou B. Ong, Merle L. Salvani at Leah Primitiva S. Paquiz, mga miyembro nito.

Ibinigay naman nasabing pagsusulit sa Maynila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.

Sa Enero 9-13, 16-20, at 23-27, 2023, maari nang magrehistro ang mga pumasa para sa kanilang Professional Identification Card, ayon sa PRC.

Nagunguna naman sa listahan si Abigail Garganta Ramirez ng Saint Paul University – Dumaguete, na nakakuha ng 90% na rating sa exam.

Sinundan naman nina Jezrel Cabasis Alijid at Melchor Flores Pimentel na parehong nakakuha ng rating na 89.80%

Ang ikatlong puwesto naman ay nasungkit nina Emmanuel John Dorado Aggabao, Adrian Miguel Amil, Jade Alexie Enriquez Aranda, Antonette Feliz Acaso Calimot, Michelle Joy Ledoma Lim, at Nikka Tan Parulan.

Leave a Reply