Share:

By Christian Dee

RK Bagatsing at Jane Oineza mas nakatutok sa kanilang career

MAYNILA – Nang tanungin ang aktor na si RK Bagatsing kung handa na ito sa “level up” na relasyon nila ni Jane Oineza, sinabi ng aktor na mas nakatutok ito sa kanilang karera sa ngayon.

Ani Bagatsing, sobrang daming biyaya ang dumarating sa kanilang magkasintahan, sa kanilang career, mas nais nilang pagtuunan ng pansin ito.

“And when we talk about Jane, I am so proud and happy for her kasi ang daming projects na paparating para sa kanya na kailangan ng full attention niya. And ganoon din ako, I’m in the middle of working on different projects,” anang aktor sa Inside News ng Star Magic nitong Lunes.

Dagdag pa ni Bagatsing, inuuna nilang dalawa ang kanilang karera dahil naniniwala itong iyon ang magbubuo sa magkasintahan bilang mga indibidwal.

You can’t be together kung pareho kayong may regrets sa kanya-kanya niyong individual life. So, you have to be full muna in order for you to be together as a whole. So, to answer your question always naman kaming trying to be on the next level but you know trying to be better person muna, rather than being better half kasi eventually darating din ‘yon. We just want to make the most out of the opportunities and projects na ipinagkakatiwala sa amin,” aniya.

Sinabi rin ng aktor na “magical” ang kanilang relasyon ni Oineza nang ipinalarawan sa kaniya ito.

Leave a Reply