Share:

By: Jen Lopez

Ibinahagi sa publiko ng presumptive Senator Robin Padilla na ang kaniyang magiging legislative consultant,adviser, at mentor niya ay si Salvador Panelo.

Isa si Panelo sa mga kapwa senatorial candidate ni Robin nitong eleksyon 2022 ngunit si Panelo ay hindi pinalad na makapasok sa top 12 na senador sa parehong partial at unofficial vote count ng Comelec.

“Kailangan ko ng pambato sa usapin ng batas pagdating sa senado. Ang pagpapalit ng saligang batas ay hindi magiging madali sapagkat ang babanggain nito ay ang kasalukuyang naghaharing mga oligarko nakakubli sa 1987 constitution,” ayon kay Robin sa Facebook.

“Hindi man kami nagtagumpay ni idol Salvador Panelo na maging magkasama sa senado. Isa lang ang sinigurado namin dalawa. Walang mababago sa aming adhikaing pagbabago. Walang makakapigil sa rebolusyon,” dagdag pa ni Robin.

“Si SALVADOR PANELO ang aking legislative consultant, adviser at mentor. Walang tatalo kay Sal panalo panelo!”

Leave a Reply