Share:

By Frances Pio

––

Isang sorpresa ang biglang pagdalo nitong Martes ni Executive Secretary Vic Rodriguez sa Senate inquiry tungkol sa kontrobersya sa pag-import ng asukal matapos pumayag ang blue ribbon panel na i-subpoena siya.

Nauna nang bumoto ang Senate Blue Ribbon Committee na mag-isyu ng subpoena laban kay Rodriguez para pilitin siyang dumalo sa mga pagdinig ng panel, na una niyang sinabi na hindi na siya makakadalo “ayon sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.”

Sinabi ni Rodriguez na inatasan siya ng Pangulo na dumalo sa pagdinig noong Martes nang malaman na may inilabas na subpoena laban sa kanya.

“I would like to sincerely apologize if we have to resort to the issuance of a subpoena to compel my presence today. I have no intention whatsoever to disrespect the honorable members of the Senate and the Senate institution,” paliwanag ni Rodriguez habang nasa pagdinig.

“That is why immediately when I learned that a subpoena was issued, I don’t want to, but I have to inform His Excellency even if he is in a state visit, and immediately he asked me to forthwith see the Senate President and immediately be present in today’s blue ribbon committee hearing,” dagdag pa niya.

Kamakailan, maalalang nagsabi sa isang liham si Rodriguez na hindi siya dadalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ayon sa direktiba ng pangulo.

Leave a Reply