Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ibinahagi ng aktor at mananayaw na si Ronnie Alonte kung paano nila ipinagdiwang ni Loisa Andalio ang kanilang ika-6 na anibersaryo bilang magkasintahan.

Isa sa mga in-upload ni Alonte ang video kung saan sinorpresa niya ang kaniyang girlfriend. Naka-blindfold si Loisa at inabutan ng aktor ng naggagandahang mga bulaklak habang sila ay nasa isang beach.

May pa-fireworks pang sorpresa habang nakaupo ang magkasintahan sa isang naka-set up na table.

Cheers to two imperfect pieces that fit perfectly together,” sulat ni Alonte sa kanyang post sa Instagram.

Happy 6th anniversary beh! Iloveyou,” dagdag pa niya.

Samantala, bilang pagbati naman ni Loisa sa kanyang kasintahan, nag-post din ito at sinabing, “Life with you just keeps getting better…Happy 6 years, thank you!I love you @iamr2alonte.

To a lifetime of happy anniversaries,” dagdag ng aktres.

Ilan sa kanilang malalapit na kaibigan at kasamahan sa industriya ng showbiz naman ang nagpaabot ng pagbati sa dalawa gaya nina Jhong Hilario, Jackie Gonzaga, Wilbert Ross, at Katarina Rodriguez.

Leave a Reply