Share:

Matapos ang patuloy na pagtaas ng kaso ng may Covid-19 sa ating bansa at ang patuloy na pag aaral o pagtuklas ng mga eksperto mula sa iba’t ibang bansa upang magkaroon ng gamot kontra dito ay handa ang bansang Russia na mag supply sa Pilipinas ng bakuna.

Ayon sa gobyerno ng Russia, ligtas at epektibo ang gamot na ito upang malabanan ang sakit na hatid ng virus. Ani ni Russian Ambassador Igor Khovaev sa isang press briefing, ang kanilang bansa ay nagbigay ng panukala sa ating bansa sa pagkakaroon ng pagawaan ng gamot sa Pilipinas kung ito ay aaprubahan ng ating pamahalaan.

Ang panukalang naman na ito ay kasalukuyang pinagaaralan ng ating pamahalaan. Samantala, patuloy parin ang pag prodyus ng bakuna ang Russia sa kanilang bansa.

Leave a Reply