By Frances Pio
––
Umahon ang San Sebastian mula sa malalim na hukay nang agawin nito ang 24-26, 26-28, 25-20, 25-20, 17-15 tagumpay nitong Linggo sa NCAA Women’s Volleyball sa Paco Arena.
Nagpasabog si Reyann Canete na may career-high na 25 puntos na binuo sa 19 na kills at limang ace habang si Katherine Santos ay nag-ambag ng 18 puntos mula sa 15 na pag-atake para sa Lady Stags, na gumawa ng rally mula sa dalawang set pababa at lumaban sa dalawang match points upang angkinin ang panalo.
Itinaas ng San Sebastian ang win-loss tally nito sa 4-1, na tumabla sa Arellano sa pangalawang pwesto.
Mula sa pagkabaon, 15-14, ang Lady Stags ay nagpamalas ng back-to-back kills mula kina Christina Marasigan at Santos bago ang attack error mula sa Lady Altas na nagbigay ng panalo sa Lady Stags.
Mapait itong pagkatalo para sa Perpetual Help, na nabigong makuha ang third-set momentum matapos mabigong isara ang agwat sa 11-9 deficit na lumubog sa 17-11.
Ito ay ang parehong senaryo sa ikaapat na frame kung saan ang Lady Stags ay nagdikta ng bilis ng laro.