Share:

By Jude Sagun

––

Ninoy Aquino International Airport/IG 

Spotted ang Korean star na si Sandara Park na nagbabalik Pilipinas sa Instagram post ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). 

Masayang binati ng 37-year old Korean Star sa airport ang mga fan na sumalubong sa kanya. 

Wala pang pormal na anunsyo ng dahilan ng pagbisita sa Pinas ni Sandara, pero ayon sa mga fans posibleng dadalo ito sa isang Kpop show. 

Sumikat ng husto si Dara sa South Korea matapos na mag-debut ang kpop group na 2NE1 noong 2009, at pinasikat ang mga kantang ‘I Don’t Care’ at ‘Fire.’ Nag-disband ang grupo matapos lamang ng pitong taon. 

Kahit naglaho na sa limelight ang girl band, nagpatuloy ang karera ni Sandara sa South Korea bilang aktres at host. 

Ngunit bago sumikat sa Korea, nagpakitang gilas muna si Sandara sa pag-arte sa talent search na Star Circle Quest noong 2004, at pinasikat ang kantang ‘IN or OUT.’ 

2016 nang bumalik si Sandara sa Pinas para maging hurado ng reality singing competition na ‘Pinoy Boy Band Super Star.’ Napag-usapan na rin noon ang posibleng muling paggawa niya ng pelikula sa bansa. 

Disyembre nang magpahayag si Sandara sa kanyang social media na hanggad niyang makabalik sa Pilipinas upang muling makapag-perform para sa mga solid Pinoy fans. 

Leave a Reply