Share:

By Frances Pio

––

Dumalo ang may-ari ng sasakyan na nakuhanan sa isang viral hit-and-run video matapos sagasaan isang security guard nitong Huwebes sa harap ng Mandaluyong Prosecutors’ Office pagkatapos tumakas mula sa pinangyarihan. Kanyang iginiit na ang insidente na nagdulot sa biktima na manatili sa ospital ng ilang araw ay isang “aksidente” lamang.

Humarap ang suspek na si Jose Antonio Sanvicente kasama ang kanyang abogado para personal na mag-subscribe sa kanyang counter-affidavit sa ikalawang paunang imbestigasyon ng reklamo para sa frustrated murder at paglabag sa Revised Penal Code for abandonment of one’s victim.

Ayon ng mga source privy sa proceedings, sinabi ni Sanvicente na ang nangyari sa security guard na si Christian Floralde ay isang aksidente lamang.

Nang tanungin upang kumpirmahin, ang abogado ni Sanvicente na si Atty. Danny Maclino ay sinabi na: “It’s the least of his intention. Hindi intentional ang nangyari.”

Samantala, sinabi ni Atty. Federico Biolena, abogado ng hit-and-run victim na si Christian Joseph Floralde, na hindi pa nila napagdesisyunan kung kailangan pang magsumite ng tugon sa counter-affidavit.

“Depende,” sabi ni Biolena, at idinagdag na hindi pa niya nababasa ang counter-affidavit.

Samantala, ang may-ari ng dashcam video na nakakuha ng insidente ay humarap sa panel ng prosekusyon nitong Miyerkules, at nagsumite at nag-subscribe sa kanyang affidavit. Sinabi ni Biolena na nagsumite rin ang testigo ng kopya ng dashcam video.

Hindi nakadalo si Floralde sa preliminary investigation dahil masama ang pakiramdam niya, sabi ng kanyang abogado.

Leave a Reply