Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Bumaliktad ang isang sasakyan matapos sumalpok sa center island ng Kalayaan flyover sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Ayon sa mga tauhan sa lugar na agad rumesponde sa aksidente, paakyat sa naturang flyover ang sasakayan nang aksidenteng bumangga ito sa center island at tumaob sa gitna ng flyover ang minamanehong sasakyan ng isang lalaki.

Nakaramdam ng pananakit ng ulo ang nagmamaneho ng sasakyang naaksidente at agad din dinala ito sa ospital.

Naging mabagal nang bahagya ang daloy ng trapiko sa lugar dahil nakaharang sa gitna ng daan ang sasakyan.

Tinanggal naman din ang ito makalipas ang isang oras.

Iniimbestigahan naman ng BGC marshals ang pinagmulan ng pangyayari.

Leave a Reply