By Margaret Padilla
Bago ang kanilang world tour concert, napanood ang Filipino pop group na SB19 sa kanilang unang paglabas nang live sa TV sa Amerika noong Sabado, kung saan bigay na bigay nilang kinanta ang kanilang 2022 hit song na WYAT (Where You At?) sa pang-umagang programa ng Fox 5 na “Good Day New York.”
Ipinakilala sa nasabing palabas ang P-pop group bilang “first and only Filipino act to get into three Billboard charts early in their career,” ang isa ay dahil record-breaking performance ng kanilang awitin na “Bazinga!” sa chart ng Billboard Hot Trending Songs.
Samantala, naging matagumpay diumano ang concert ng SB19, na pinamagatang “WYAT (Where You At) sa New York City na ginanap noong Nobyembre 6, ayon kay Elmer Cato, consul general ng Pilipinas sa New York.
The consul general wrote on his Twitter page: “#SB19 did the #Philippines proud this evening with their successful concert in Times Square that was packed by fans, some of whom came all the way from Canada, the Caribbean, and even the United Kingdom.”
Ayon sa Philippine Star, bumisita ang SB19 sa Philippine Consulate sa New York habang sila ay nasa lungsod.
Pupunta rin ang grupo sa Los Angeles, California, at iba pang mga lungsod sa buong Estados Unidos, pagkatapos nila sa New York.
Gayundin, nakatakda ring magtanghal ang SB19 sa Singapore sa ika-27 ng Nobyembre. Inihayag na rin ang iba pang mga bansa na kanilang dadalawin bilang bahagi ng kanilang ‘Where You At’ concert tour.
Samantala, trending pa rin sa Twitter ang mga hash tags na
#WYATTourNewYork at #SB19onGoodDayNewYork.
(Screenshot/YouTube: FOX 5 New York)