Share:

By Frances Pio

––

Sa pagdiriwang ng International Friendship day, binati ni Sen. Sonny Angara ang ilan sa kanyang malalapit na mga kasamahang senador.

Magkakasama niyang binati sa kanyang Facebook post ang mga Senador na sina Sen. Grace Poe, Sen. Nancy Binay, Sen. Win Gatchalian, Sen. Joel Villanueva, Sen. JV Ejercito, at Senate President Juan Miguel Zubiri.

Sinabi rin ni Sen. Angara sa kanyang caption na, “The only way to have a friend is to be one.”

Muling magsasama-sama ang mga Senador ngayong 19th Congress na nagbukas nitong linggo.

Samantala, magsisilbi bilang kanilang bagong Senate President si Sen. Zubiri na nahalal sa pagbubukas ng Kongreso noong Hulyo 25. Magsisilbi naman bilang bagong Majority Floor Leader si Sen. Villanueva.

Hahawakan naman ni Sen. Binay ang Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform. Habang mananatiling Chairman ng Committee on Public Services si Sen. Poe. Ang parehong kumite ay may krusyal na parte ngayong panahon ng pandemya.

Nagbabalik Senado naman si Sen. JV Ejercito matapos manalo noong nakaraang Halalan 2022.

Leave a Reply