Isang malaking hamon ang kailangang harapin ng mga Telecommunications Companies matapos ang pagbubukas ng karamihan ng klase kahapon (Lunes) sa pamamagitan ng tinatawag na online classes.
Hinihimok ng mga mambabatas na ayusin ang serbisyo ng mga telecommunications companies dahil ito nga ay mayroong malaking gampanin sa edukasyon sa panahon ngayon.
Kung iisipin ay maayos naman ang naging daloy ng klase kahapon kung ang DepEd ang tatanungin dahil di umano handa ang mga guro at estudyante ngunit ang internet ay ang isa sa naging problema ng karamihan sa klase.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian ay hindi masasabing maganda ang naging kinalabasan ng online classes kung ang internet ang pag uusapan. Hinimok niya na ayusin ng mga kumpanya ng telecommunication ang kanilang serbisyo upang maging mas maayos ang daloy ng klase ng mga guro at mag aaral sa gitna ng pandemya.
Samantala, inaasahan na magpapatuloy parin ang online classes hanggang sa susunod na taon o hanggat wala pang bakuna kontra sa Covid. Kung magkataon ay gagamit na ng blended online learning ang mga estudyante bilang parte ng kanilang pag aaral sa mga susunod na taon.