By Christian Dee
MAYNILA – Nakisaya si Sen. Imee Marcos sa parada ng mga naglalakihan at makukulay na paper-mache na puppet, upang ipagdiwang ang Higantes Festival sa Angono, Rizal.
Sa tinaguriang Art Capital of the Philippines, nagbalik na ang pagdiriwang ng nasabing kapistahan matapos ang dalawang taon dulot ng COVID-19.
Sa naturang parada, kabilang ang mga puppet na may pagkakahawig kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Vice President Sara Duterte, at Sen. Marcos.
Ayon sa Public Information Office ng bayan ng Angono, dumalo at nakisaya kahapon ang nasabing senador dala ang proklamasyon na nagdedeklara sa Nobyembre 23, 2022 bilang special non-working holiday.
Sinamahan ng mga opsiyal ng Angono na sina Mayor Jeri Mae Calderon at Mayor-Vice Gerry Calderon. Kabilang rin sa mga nakasama ng senador si Gov. Nina Ynares, pati na rin ang mga bumubuo ng Sangguniang Bayan.