Share:

By Frances Pio

––

Itinutulak ni Senador Robin Padilla ang legal na paggamit ng medical marijuana o cannabis bilang isang “compassionate alternative means of medical treatment” sa bansa.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 230 o ang “Medical Cannabis Compassionate Access Act of the Philippines” na inihain ni Padilla nitong Biyernes, ay pahihintulutan ang paggamit ng medical cannabis “to treat or alleviate a qualified patient’s debilitating medical condition or symptoms.”

Sinasaklaw ng panukalang batas ang pagkuha, pagmamay-ari, transportasyon, paghahatid, dispensation, administration, cultivation, o manufacturing for medical purposes, ng medical cannabis.

“The State should, by way of exception, allow the use of cannabis for compassionate purposes to promote the health and well-being of citizens proven to be in dire need of such while at the same time providing the strictest regulations to ensure that abuses for casual use or profiteering be avoided,” ayon kay Padilla.

Tinukoy ng panukalang batas ang mga “debilitating medical conditions”, ito ay limitado sa cancer; glaucoma; multiple sclerosis; damage to the nervous system of the spinal cord, with objective neurological indication of intractable spasticity; epilepsy; positive status for human immunodeficiency virus (HIV) or acquired immune deficiency syndrome (AIDS); at rheumatoid arthritis or similar chronic autoimmune inflammatory disorders.

Ayon sa panukala, kabilang din sa mga debilitating medical condition ang mga sakit na gaya ng matinding pagduduwal ng anumang dahilan; mga karamdaman sa pagtulog kabilang ang insomnia at sleep apnea; mga mood disorder kabilang ang anxiety, panic attack, bipolar disorder, depression, post-traumatic stress disorder, at social anxiety disorder; at paulit-ulit na pananakit ng ulo.

Aatasan din ng panukalang batas ang Department of Health (DOH) sa pagtatatag ng Medical Cannabis Compassionate Centers (MCCC) sa mga tertiary hospital. Ang MCCC ay awtorisado na; mag-acquire, possess, deliver, transfer, cause the cultivation, manufacture, store, sell, supply, at dispense medical cannabis.

Ang DOH ay dapat ding magtatag ng isang monitoring system para sa mga reseta at magpanatili ng isang electronic database ng mga rehistradong medikal na pasyente ng cannabis, kanilang mga doktor, at iba pang mga kwalipikadong indibidwal para sa pagsubaybay at pag-regulate.

Leave a Reply