Share:

By Frances Pio

––

Mapapabuti ng hybrid work setup ang productivity ng mga manggagawa at mababawasan ang kanilang mga gastusin, sinabi ni Senador Grace Poe nitong Martes habang isinusulong niya ang nasabing setup sa buong bansa.

Ipinunto ni Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, na ang isang karaniwang manggagawa na nakatira sa Mega Manila ay gumagastos ng P56,000 para sa pag-commute at dumadanas ng 188 na oras ng traffic.

Bagama’t hindi lahat ng trabaho ay nagpapahintulot ng hybrid setup, sinabi ni Poe na ang pagtatrabaho mula sa bahay ay magbibigay-daan sa isang manggagawa na makatipid ng oras at pera.

“The-work-from-home employee saved four hours daily. In the context of a five-day work week, that’s a total of 20 hours or almost an entire day,” sinabi ni Poe sa kanyang privilege speech habang nasa plenary session.

“Isa pang pag-aaral nito lang simula ng taon ang nagsabi na nakatipid na ng halos P340,000 taun-taon ang bawat empleyadong Pilipino sa hybrid work setup nitong pandemya,” dagdag pa ng Senadora.

Bukod sa monetary advantages, sinabi ni Poe na ang work-from-home scheme ay nagpapalakas ng physical, emotional, at mental health.

“Mr. President, it is clear that hybrid work is here to stay. Adopting is a no-brainer. It will improve our productivity and health, reduce our expenses and make us more competitive,” ika niya.

Hinimok niya na paliitin ang digital gap sa pamamagitan ng pagpapahusay ng mga internet service upang higit pang suportahan ang kanyang panawagan para sa isang hybrid work arrangement.

Hinikayat din ng mambabatas na “alisin ang gulo” sa pagitan ng pagtatrabaho sa isang opisina at sa malayo.

Sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Law, “projects or activities registered in an economic zone or freeport must be exclusively conducted or operated within their geographical boundaries,” kasama ang mga firm na nakarehistro sa Philippine Economic Zone Authority (Peza).

Gayunpaman, ang nasabing probisyon ay “unrealistic” sa gitna ng mga lockdown na dulot ng COVID-19, ani Poe.

Nauna nang naghain si Poe ng Senate Resolution No.125, na naglalayong suriin ang pagpapatupad ng Telecommuting Act para isulong ang work from home.

“We should push back on agencies who refuse to think ‘outside the cubicle,’” sinabi ni Poe.

“Let’s work together to turn work into something that we do, not something we need to go to. We work to live, not live to work and die,” dagdag pa niya.

Nagpahayag ng suporta sina Senators Pia Cayetano, Loren Legarda, Risa Hontiveros, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian at Jinggoy Estrada sa panawagan ni Poe.

Leave a Reply