Share:

Naganap ang isang Senate Energy Committee hearing patungkol sa mga kwestyunableng Electicity bill na binibigay ng Meralco simula nang nagsimula ang ECQ. 

Si Senator Win Gatchalian ang isa sa mga nagsalita at ginamit pa ang sariling electricity bill upang maipahayag sa Meralco ang issue sa likod ng kanilang mga kompyutasyon. 

Paliwanag ng Vice President and Head of Customer Retail Services and Corporate Communications Victor Genuino maaring mula Marso hanggang Abril ang ginamit na electricity computation ng Senador sa kanyang pahayag. 

Idiniin ng Senador na walang nakasaad kung kailan nagsimula ang reading ng kanilang metro sa natanggap nilang Meralco bill. 

“Nowhere in the bill said that you added the estimate kasi it’s very clear na wala ‘yan sa bill,” 

“So ‘yung May, as long as it’s based on actual meter reading will be reflective already of all your March and April consumptions,”

Ayon sa Meralco, ibinase nila ang average consumption ng mga costumer nila mula noong December hanggang February dahil hindi nila maisagawa ang pagmemeter reading simula nung Enhanced Community Quarantine. 

“It’s very clear, estimate, wala naman nakalagay na estimated. Kaya ko binayaran ko kasi baka maputulan…My point of the matter is madaming ganitong cases na overestimation. Maraming ganitong cases, and without clear explanation that you embedded the estimates for March and April. People will think that this is the actual reading,” 

Ayon kay Meralco Chief Executive Officer and President Ray Espinosa gagawan umano nila ng sulat ang mga consumers upang ipaliwanag ang kanilang sagot sa mga di naunawaan ng mga tao sa kanilang bayarin sa Meralco.

Leave a Reply