Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Martes, Enero 24, inaprubahan ng Senado sa second reading ang panukalang batas na naglalayong ma-convert ang munisipalidad ng Carmona sa pagiging lungsod.

Saad sa panukalang batas na ito, House Bill No. 3968 o the Charter of the city of Carmona, na dapat nang maging ganap na lungsod ang nasabing lugar at kilalanin bilang City of Carmona.

“The Municipality of Carmona shall be converted into a component city to be known as the City of Carmona, hereinafter referred to as the City, which shall comprise the present jurisdiction of the Municipality of Carmona, Province of Cavite,” saad sa HB No. 3968.

Co-sponsors naman ang lahat ng mga senador sa naturang panukala.

Nagmula ang nasabing panukalang batas mula sa House of Representatives na siyang akda ng mambabatas at representante ng ika-5 Distrito ng Cavite na si Rep. Roy Loyola. (Photo source: Carla Bauto Deña/Manila Bulletin)

Leave a Reply