Share:

Tatagal pa hanggang sa Nobyembre 29 2020 ang water interruption sa ilang lugar sa Maynila ayon sa Maynilad. Ito ay dahil hindi pa naaalis ang iba pang dumi at putik na humalo sa tubig na kanilang supply.

Matatandaan na sinabe ng Maynilad na tatagal lamang ito hanggang Nobyembre 24 (ngayong araw) ngunit dahil nga mayroong pang isang sludge ang hindi pa mapagana dahil sa dumi at putik na nakahalo rito.

“Per our latest estimate, it will take another five days to get the last basin working fully, ramp up production, refill all major reservoirs, and build up pressure in the pipelines,” ayon sa Maynilad.

“Over the course of the next few days up to Nov 29, the actual service interruption schedules that our customers will experience will gradually shorten with the continued build-up of pressure in the pipelines. In most areas, water service will be fully restored prior to that date, leaving only the farthest and highest points of our concession area to experience the scheduled interruptions right up to Nov 29,” dagdag ng Maynilad.

Patuloy pa rin naman silang magpapadala ng mga mobile tankers sa mga lugar na wala talagang dumadaloy na tubig upang makapagbigay ng tubig sa mga residente nito. Pinayuhan din ang mga kostumer ng Maynilad na kung maaari ay maglagay na rin muna ng tela sa kanilang mga gripo bilang pansala sa tubig na dadaloy kung sakali na mayroon pang dumi na sumama rito.

Leave a Reply