Share:

By Frances Pio

––

Nakumpleto ni Shugen Nakano ang kanyang pagkapanalo ng gintong medalya sa 66-kilogram men’s judo sa 31st Southeast Asian Games nitong Biyernes sa Hoai Duc Gymnasium sa Vietnam.

Si Nakano, na nanalo ng ginto sa 2019 SEA Games, ay tinalo si Hoang Phuc Truong ng host country na Vietnam sa final para muling pamunuan ang kanyang dibisyon.

Pinabagsak ni Nakano si Cambodian Kimheng Vorn sa semifinal para maabot ang gold medal match.

Ito ang pangalawang ginto ng bansa sa judo matapos ang paghahari ni Rena Furukawa sa 57kg women’s division.

Nasungkit naman ni Khrizzia Pabulayan ang silver medal sa 52kg women’s judo, natalo siya ng Vietnamese na si Thi Thanh Thuy Nguyen sa final.

Naitala ng Pilipinas ang tatlong pilak na medalya at isang bronze medal sa judo.

Leave a Reply