Share:

By Frances Pio

––

Maaaring itaas ang Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) No. 1 ngayong Biyernes ng gabi habang nakikitang tatama ang Tropical Storm Karding sa landmass ng bansa ngayong weekend, sinabi ng state weather bureau sa pinakahuling weather bulletin nito.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na maaaring itaas ang TCWS No. 1 sa bahagi ng Northern at Central Luzon ngayong gabi, Setyembre 23.

Ayon din sa Pagasa na hanggang TCWS No. 3 ang maaaring ideklara sa ilang lugar habang ang Karding ay bumibilis patungo sa Luzon.

Sinabi ng Pagasa na posibleng mag-landfall si Karding sa Linggo, Setyembre 25, sa Lalawigan ng Isabela.

“Possible as early as tonight, magkakaroon tayo ng Signal No. 1 over the eastern portion of northern and central Luzon,” sinabi ni Pagasa Weather Specialist Raymond Orindario sa isang press briefing.

“Then most likely pwede tayo magtaas ng Signal No. 2 habang lumalapit, then hindi natin inaalis ‘yung possibility na magtaas pa tayo ng Signal No. 3,” dagdag ni Ordinario.

Huling namataan si Karding sa layong 1,085 kilometro silangan ng Northern Luzon, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometer per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 80 kph.

Ayon kay Ordinario, posibleng maimpluwensyahan ni Karding ang habagat at magdadala ng ulan sa Southern Luzon at Visayas.

Leave a Reply