Share:

By Christian Dee

MAYNILA –Sa darating na Enero 2023, posibleng magtaas ang singil sa tubig ayon sa ilang water concessionaires.

Ang taas-singil sa tubig ng mga water concessionaires ay dahilan ng environmental charge na binabayaran ng mga customer.

Halimbawa ng tagapagsalita ng Manila Water na si Jeric Sevilla, “Kung 20 cubic meters ang konsumo, ang 25 percent dun sa basic charge na nasa P300 plus nasa P82 ang environmental charge.”

Bagama’t tataas din sa 20 porsyento ang environmental charge ng Maynilad, mananatiling madaragdagan ang singil sa tubig dahil tataas din ang basic charge.

Malaki na ang sewered lines ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kaya itinaas ang porsyento ng environmental charge ng Maynilad base sa kanilang paliwanag.

Paliwanag naman ng MWSS, ang koleksyon ay para lamang sa waste water at watershed management, kung saan kabilang ang isang beses sa limang taon na pagsipsip ng septic tank.

Ayon naman sa Maynilad, kasali sa binabayaran ng mga customer ang de-sludging operation kaya abiso ng Chief Operating Officer ng Maynilad       na si Randy Estrellado na samanatalahin ang libreng de-sludging operation, na aniya ay kasama rin sa binabayaran nating environmental charge.

Leave a Reply