Share:

By Margaret Padilla

Kinumpirma ni Song Joong Ki, ang bida sa Korean drama na ‘Reborn Rich,’ ang kanyang relasyon sa isang British na babae. 

Ipinahayag ng kanyang ahensya noong Lunes na ang aktor ay kasalukuyang nakikipag-date sa isang ‘non-showbiz foreigner.’ Ayon sa HighZium studio, humigit-kumulang isang taon na may relasyon ang 37-year-old binata matapos silang ipakilala ng isang kaibigan.

“Actor Song Joong Ki is currently seeing a woman with positive feelings. We hope that you will look warmly upon their relationship,” ” ang pahayag ng ahensya. 

“Song is having a good relationship with the woman,” dagdag pa ng HighZium studio. “We have nothing more to say about them.”

Ayon sa The Korea Times, isang lokal na pahayagan ang nag-ulat tungkol sa kanilang relasyon, na nagsabing ang babae ay isang British nationality at hindi nagtatrabaho sa entertainment industry. 

Noong Disyembre 7, sinamahan niya si Song sa isang press conference para sa fantasy drama series na “Reborn Rich” sa Singapore, kung saan ipinakilala siya nito sa cast.

Hindi sinabi ng HighZium studio kung gaano katagal na nakikipag-date si Song sa British girl o kung balak nilang magpakasal, ngunit hiniling na na iwasang magkalat ang maling impormasyon.

“We ask for your understanding in regards to the fact that we cannot confirm any information aside from the fact that they are dating, and we would be grateful if you refrained from publishing any speculative or unconfirmed reports,” ang pakiusap ng ahensya. (Photo: ALLKPOP)

Leave a Reply