Share:

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III noong Miyerkules na magrerekomenda siya ng isang mas mahigpit na ‘border control’ para sa mga darating na travelers na nagmula sa Middle East kasunod ng pagtuklas ng dalawang kaso ng variant ng COVID-19 na unang naiulat sa India.

“I will recommend that certainly, but I am in touch with our WHO (World Health Organization) country representative in the same manner that we have expanded our travel ban beyond India,” sinabi niya sa isang panayam sa ABS-CBN News Channel nang tanungin kung imumungkahi niya ang isang mas mahigpit na kontrol para sa mga manlalakbay mula sa Middle East.

“Rest assured I will make that recommendation,” dagdag niya pa.

Ayon kay Duque, ang B.1.617 variant na unang nakita sa India ay naiulat na sa 42 pa na mga bansa. Gayunpaman, sinabi niya na kailangan niyang kumunsulta sa kinatawan ng WHO sa Pilipinas kung dapat ba ang mas mahigpit na kontrol pati na rin sa mga bansang may na kumpirmadpmg variant na ito. 

Ang dalawang indibidwal sa bansa na napagalaman na mayroong B.1.617 variant ay ang mga nagbabalik na mga Pilipinong nasa ibang bansa na nagmula sa Oman at United Arab Emirates

Ang Pilipinas ay nagtaas na ng travel ban para sa mga paparating na mga traveler mula sa India hanggang May 14. Ito ay napalawig pa sa mga ibang bansa tulad ng Pakistan, Nepal, Sri Lanka at Bangladesh.

Leave a Reply