Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Huwebes, Disyembre 15, tinamaan ng 6.2 magnitude na lindol ang kalapit na bansa ng Pilipinas, ang Taiwan.

Sinabi ng ahensya na nag-uulat ng panahon sa nasabing isla, wala namang naiulat na pinsala dala ng pagyanig.

Ayon sa saksi, naramdaman ang lindol sa mga gusali sa Taipei.

Ang tumamang lindol ay lalim na 5.7 kilometro o 3.5 milya ayon sa kawanihan.

Malapit sa “junction” ng dalawang tectonic plates ang lokasyon ng Taiwan, kaya madaling tamaan ng pagyanig.

Matatandaang noong taong 2016 nang niyanig din ng lindol ang bahaging timog ng Taiwan na nagdulot ng higit 100 kataong patay habang noong 1999, mahigit dalawang dekada na ang nakalipas nang mamatay ang higit 2,000 katao dulot ng 7.3 magnitude na lindol.

Leave a Reply