Share:

Ni Jude Sagun

––

Jenny Ramp/IG

MANILA, Philippines – Kinoronahan na noong Sabado sa Coron, Palawan ang bagong kinatawan ng Pilipinas para sa Miss Earth 2022 na si Jenny Ramp. 

Si Ramp na tubong Santa Ignacia, Tarlac ay isang professional model at psychology student sa Holy Angel University. 

Kahit maulan, matagumpay na nagtapos ang koronasyon ng MPE 2022 na may temang “ME Loves Fauna,” kung saan tinalo ni Ramp ang 19 pang naggagandahang mga kandidata. 

Si MPE 2021, Naelah Alshorbaji, na nagtapos sa top 8 sa Miss Earth 2021, ang nagpatong ng korona kay Ramp. 

Susubukan ngayon ng Tarlacqueña na maiuwi ang ika-limang korona ng Pilipinas sa naturang pageant kasunod nina Karen Ibasco (2017), Angelia Ong (2015), Jamie Herrell (2014), at Karla Henry (2008).

SI Jimema Tempra naman ng Jasaan, Misamis Oriental ang kinoronahang Miss Philippines Air, sinundan ni Angel Santos ng Trece Martires City bilang Miss Philippines Water, Eryka Vina Tan ng Legazpi City ang Miss Philippines Fire, at Nice Lampad ng Bayugan City ang bagong Miss Philippines Ecotourism.

Mayroong 41 orihinal na mga contestant ang pageant, ngunit 20 lang ang napili upang maging parte ng Face-to-Face coronation, kung saan ang ilan ay na-disqualify dahil sa hindi pagtupad sa height requirement.

Leave a Reply