Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inilabas na nitong Biyernes, Marso 17, ni American pop superstar Taylor Swift ang apat na kanta niyang hindi pa naisasapubliko.

Anang mang-aawit, ang paglalabas ng mga kantang ito ay para sa paggunita ng kanyang “The Eras Tour.”

“In celebration of The Eras Tour I’m releasing four previously unreleased songs tonight at midnight,” saad ni Swift sa kanyang Instagram story.

Ang mga kanta ay ang “Eyes Open (Taylor’s Version),” “Safe & Sound (Ft. Joy Williams and John Paul White) (Taylor’s Version),” “If This Was a Movie (Taylor’s Version)” at “All of the Girls You Loved Before.”

Ang mga tagahanga naman ng kauna-unahang babaeng solo artist na nanalo ng Grammy’s Album of the Year nang tatlong beses para sa kanyang solo recordings ay nagulat nang maglabas ito ng anunsyo.

Ang huling album na nailabas ni Swift ay ang pinamagatang “Midnights” noong 2022.

Matatandaang huling nakapagtanghal si Taylor Swift sa Pilipinas noong Hunyo 6, 2014.

Leave a Reply