Share:

By: Jude Sagun

MANILA, Philippines —Pumirma na ng kontrata ang multimedia star na si Toni Gonzaga sa paparating na higanteng Philippine Television channel na AMBS Network, na pag-aari ng negosyanteng si Manny Villar.

Kasamang pumirma ng aktres ang kanyang asawang si Paul Soriano, Huwebes sa Las Piñas.

“Thank you for the warm welcome, AMBS.🧡 I’m so happy to be part of your family! I’m so excited about our partnership and I can’t wait to share with you ALL that we have been working on in the coming days…🧡” ani Toni sa kanyang Instagram post. 

Noong Pebrero 9, nagpasya si Gonzaga na mag-resign bilang pangunahing host ng reality show na Pinoy Big Brother pagkatapos ng 16 na taon, matapos niyang pormal na iendorso ang kandidatura nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Senatorial bet Rodante Marcoleta, isa sa mga mambabatas na nanguna sa pagtutol sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN noong 2020. Isa rin sa Marcoleta na nagpahayag pagtutol sa pagsasanib pwersa ng ABS-CBN at TV5. 

Inaasahang magkakaroon ng soft launch ang AMBS Network ngayong buwan sa gamit nakuha nitong ABS-CBN frequency.

Nauna na ring pumirma ng kontrata si Willie Revillame sa bagong TV network para ibalik sa Free TV  ang kanyang sikat na variety game show na “Wowowin,” bilang bahagi ng grand opening salvo ng network.

Leave a Reply