By Frances Pio
–
Muling binuksan ng Munisipalidad ng Danao sa Lalawigan ng Bohol noong Sabado ang kanilang mga tourism sites sa publiko, dalawang taon matapos itong isara dahil sa COVID-19 pandemic.
Kabilang sa mga nagpatuloy sa operasyon ay ang Danao Adventure Park (DAP) sa Barangay Magtangtang, na itinuturing na adventure capital ng Bohol.
Sinabi ni Danao Mayor Jose Cepedoza na ang muling pagbubukas ng DAP ay naglalayong palakasin ang lokal na ekonomiya at buhayin ang industriya ng turismo.
“Reopening our tourism spots sends a message of encouragement to the people that there is still hope,” aniya noong Hulyo 9 sa ika-61 anibersaryo ng pagkakatatag ng Danao.
Ang Danao ay may mga kuweba, ilog, talon, at iba pang likas na yaman, gayundin ang adventure and extreme activities na mayroong “giant” swinging, glass cliff walking, sky riding, root climbing and rappelling, caving, waterfall and river trekking, kayaking, at cliff diving.