Sa patuloy na krisis na nararanasan ng ating bansa, muling umalma ang samahan ng mga tsuper ng jeepney dahil sa patuloy na hindi pagsangayon ng pamahalaan na makapasada sila muli sa kalsada.
Ayon sa panayam kay Efren De Luna ang National President of Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), ang patuloy na pag-ban sa kanila ay hindi pa matatapos dahil sa paglunsad ng bus at mga modern jeep sa kanilang mga ruta.
Ani pa nya, ay handa rin nilang sunugin nalang ang kanilang mga jeep at ibabalagbag ito sa mga kalsada kung tuluyan na silang hindi papayagang pumasada muli. Para din sa kaniya, binobola at pinapaikot ikot na lamang sila ng pamahalaan.
Ayon naman kay Roque, ay wala pa rin silang balak na payagan pumasada ang mga jeep dahil nga sa panganib sa kalusugan na maaaring maging sanhi sa pagsakay dito. Pinabulaanan naman ito ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na wala namang problema sa ganong sitwasyon kung susunod ang mamayan na magsuot ng face mask sa pagsakay sa mga jeep may aircon man o wala.
Maraming tsuper na ang namamalimos sa mga kalsada gayundin ang kanilang pamilya na naghihirap na. Kaya naman ang pagkilos na binabalak ng samahan ng mga tsuper ay nagbabadyang maganap ayon kay De Luna.