Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa pulisya, isang transwoman ang hinuli nitong Biyernes, Enero 13, sa Tandang Sora Avenue sa Quezon City dahil sa umanong kaso ng illegal detention at child abuse.

Kalalabas lang ng warrant of arrest para sa 30-anyos na suspek, ayon sa chief of investigation ng Quezon City Police District Station 14 na si Police Capt. Anthony Dacquel.

Ang suspek na nagtatrabaho sa isang salon sa Quezon City bilang senior stylist ay nahaharap sa dalawang bilang ng kasong serious illegal detention at dalawang bilang din ng kasong child abuse.

Ayon sa ulat, mayroong isang 7-anyos na pamangkin ang biktima na nasawi dahil sa pambubugbog at nakulong umano ang naturang suspek noong Nobyembre 2022.

Dagdag pa rito, biktima rin ng umanong pambubugbog ng suspek ang umanong dalawa pang kapatid ng namatay na biktima kaya inakusahan ang suspek ng child abuse kung saan nakalaya pa ito dahil “for further investigation” pa ang kasong murder na isinampa sa kanya noon, ayon sa piskalya.

Kamakailan lamang nang ilabas ang kanyang warrant of arrest at ayon sa awtoridad, may kinalaman ito sa kanyang unang kaso.

Nabigla naman ang suspek nang hulihin ito ng pulisya.

Ang dalawang sinasabing pamangkin naman ng suspek ay kasalukuyang nasa social welfare department ng lungsod

Leave a Reply