Ang Department of Health (DOH) at ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay naguusap na para sa posibleng pagpapatupad ng travel ban sa bansang India dahil sa panibagong COVID-19 variant na nakita sa South Asian nation.
“Pinagaaralan ngayon ng Inter-agency Task Force (IATF) on COVID variants itong sinasabing Indian variant and nagkaroon na rin tayo ng initial discussion with the Department of Foreign Affairs,” sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum nitong Lunes.
“So they are just waiting for the recommendation of DOH together with our experts,” dagdag niya.
Ang nasabing variant ay umabot na sa anim na mga bansa ngunit hindi pa ito na-detect sa Pilipinas, ayon kay Vergeire.
“We reviewed all of our records, pinaaral din natin sa Philippine Genome Center, we have not detected yet this kind of variant across the 5,000 na-sequence na po natin na mga specimen dito sa ating bansa,” aniya.
“So we will give information as soon as the recommendations are out from our experts and DOH will recommend it to IATF,” dagdag niya.
Sa ngayon, ang mga variants na kumpirmadong nasa bansa ay Brazil Variant, UK variant, South African Variant at Philippine Variant.