Matagumpay na nailunsad ng Diabetasol Nutrition Philippines ang kanilang “Start-Up the Sweet Life” event sa Enderun Atrium, Taguig City noong Hulyo 30.
Ang aktibidad umano na ito ay isang paraan ng Diabetasol PH upang ipagdiriwang ang Nutrition Month sa pamamagitan ng paglulunsad ng #TreatYourSelfWell campaign na nakatuon sa pagtuturo ng mga paraan sa paggamot at pagiwas sa sakit na diabetes.
Nagtayo ng apat na istasyon ang organizers sa nasabing event kung saan maaaring sumali ang mga kalahok sa mga aktibidad tulad ng Start Well, Move Well, Eat Well, at Think Well.
Si Gino Fernando, isa sa mga nutritionist-dietitian, ang tumulong sa mga kalahok sa pagtukoy kung sila ay nasa panganib ng pagkakaroon ng diabetes sa pamamagitan ng Karada Scan Body Composition Monitor.

Ang mga indibidwal nasa 45 taong gulang pataas na dumalo sa event ay tinukoy na mas mataas ang tsansang magkaroon ng diabetes, habang ang mga mas nakababata naman na mayroong mga kapamilya na may diabetes ay pinayuhang pangalagaan ang kanilang mga kalusugan.
Ang Jump Manila na pagmamay-ari ni Erwin Ng, ang nanguna sa Move Well activity, kung saan hinikayat ang mga kalahok na mag jump rope kapalit ng kanilang brand merchandise.
“We are promoting Jumping Rope as a workout since it is simple and doable everywhere and at any time, giving people no reason not to exercise. Further, it enables quick weight loss and lowers stress and anxiety,” ayon kay Coach Lovely Gervacio Tajan ng Jump Manila.

Samantala, sa Eat Well section, gumawa naman ng ilang putahe si Chef Jac Laudico gamit ang Diabetasol powdered drinks na may tatlong flavor: ang vanilla, chocolate, at cappuccino, na nakabuo ng kakaibang recipes tulad ng “chocolate covered with cream and strawberries,” at “cappuccino topped with chocolate tops and wafers.”

Sinundan ito ng isang kumperensya na pinangunahan ni Dr. Leyden Florido, presidente ng Philippine Association of Diabetes Educators. Binanggit niya ang nakababahalang datos, na pataas nang pataas ang bilang ng mga indibidwal na nasa edad 20 hanggang 79 ang nagkakaroon ng diabetes, mula sa 151 milyon (4.6%) noon, ito ngayo’y umabot na sa 537 milyon (10.5%).
“We Filipinos are really sweet lovers, craving for a sweet life, but we all know that 1 out of 14 people has diabetes. We are relatively at risk of having diabetes. We have to have management,” ani Dr. Leyden Florido.
Dahil sa nakababahalang datos na ito, nagmungkahi ng ilang simpleng solusyon si Dr. Florido; una ay ang pag-eehersisyo, tulad ng pag-lakad ng 50-70 minutes, tatlong beses sa isang linggo sa loob ng 12 linggo. Makabubuti rin umano sa katawan ang pagpapa-araw kung saan maaaring makakuha ng mas mataas na vitamin D levels.
Dagdag pa rito, binigyang-diin din ni Dr. Florido ang pagkonsumo ng mga masusustansyang pagkain tulad ng gulay, whole grains, lean protein, low-fat dairy, at mga prutas at pagbabawas sa pagkain ng mga fried meals, sweers, sugary beverages, at mga pagkaing matatabat at maalat.
Sinabi din ni Dr. Florido na importanteng malabanan ng mga indibidwal na may diabetes ang kanilang sakit katuwang ang kanilang mga mahal sa buhay.
“It should be a team effort. You are not alone. We really do need somebody to push as to the sweet life,” ayon kay Dr. Florido.

Iminungkahi ng Senior Brand Manager ng Diabetasol Nutrition Philippines na si Pia Santos ang paggamit ng Diabetasol bilang pamalit sa almusal at hapunan. Ang basic set nito ay naglalaman ng nutrition powder na mayroong 11 na klase ng vitamins at minerals na gumagana katulong ang VitaDigest, ito’y pinaghalong insulin at slow-digesting carbs, na nakakatulong mabalanse ang blood sugar at hunger pains.
Kasunod ng presentation, ang mga dumalo ay nagkaroon ng pagkakataong magtanong patungkol sa mga paraan ng pagkontrol at pagiwas sa diabetes. Pagkatapos nito, binigyan ang bawat isa ng mga sample ng Diabetasol powdered drink at itinaas ang kanilang mga baso bilang selebrasyon sa matagumpay na paglunsad ng #TreatYourSelfWell campaign.

Maaaring mabili ang mga Diabetasol products sa Diabetasol PH official website.