Nabawasan ang mga bilang ng walang trabaho sa ating bansa kumpara noong mga nakaraang buwan.
Nasa 3.44 million ang mga walang trabahong Pilipino ayon sa Philippine Statistics Authority.
Naitala ng Pilipinas ang “worst” rate ng pagkawalan ng trabaho ng mga Pilipino noong 2020 na mayroong 10.4% sanhi ng COVID-19 pandemya, nauna nang sinabi ng PSA.
Ayon sa itinalang datos ng Labor Department noong December 2020 ay halos 5 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho.
Ang lockdown na inanunsyo noong Marso 2021 sa NCR Plus bubble ay hindi gaanong mahigpit kaya naman hindi ito gaanong nakaepekto sa pagkakaroon ng trabaho, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua.
Ayon naman kay Chua sa isinagawang pre-SONA economic forum na ang mga nawalan ng trabaho noong 2020 ay nasolusyunan na ngayong taon.
Mayroong namang umanong nilaan na trabaho ang pamahalaan para sa 3.5 milyong Pilipino upang makatulong na rin sa paglago ng ekonomiya ng ating bansa ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.