Share:

Nitong Huwebes, nagiwan ng paalala ang pinakamalaking pharmaceutical company ng bansa na Unilab Inc. na magingat sa mga pekeng gamot na maaring mabili.

Kasama ng Unilab ang Food and Drug Adminisration (FDA) upang masiguro na makakaiwas ang mga pilipino sa mga maling gamot.

Dagdag ng FDA ang mga lumalabas na pekeng bakuna laban sa coronavirus na pwedeng magdulot ng mga sakit o maari din ikamatay ng gagamit.

May mga maaring indikasyon upang matukoy kung tunay ang bakuna o hindi:

•Hindi maayos ang pagkakapangalan o wala itong pangalan
•Wala itong expiry date
•Wala itong storage instructions
•Maling package
•Hindi maayos ang spelling at pagkakasulat ng mga nakasaad
•Nadumihan na o may gasgas
•Sira ang takip
•Sira ang rubber seal
•Sa mga tinutanaw na gamot maari itong magbago ng kulay

Ayon sa Unilab maaring lapitan ang mga numering ito upang magreport ng mga pinaghihinalaang pekeng gamot o bakuna:

FDA – (02) 88095596 or email at report@fda.gov.ph
Unilab – (02) 8864-5221 or message through its Facebook page

Leave a Reply