Share:

Ika-11 ng Septyembre, Biyernes, ibinalita ng Transport Secretary Tugade na pag pasok ng ika-14 ng Septyembre inaprubahan na ang pagbabawas sa paghigpit ng physical distancing sa mga pampublikong sasakyan.

Aniya ang Economic Development Cluster (EDC) at Deprtment of Transportation ay sinangayunan kasama ang National Task Force laban sa Covid19 at ang Inter Agency Task Force.

Inaasahan ang pagbabalik ng lahat sa “new normal” dahil sa muling pagbubukas ng mga trabaho at negosyo.

Sinasabing gagawing .75 meters na ang aaprubahang distansya sa mga pampublikong sasakyan nitong Lunes ika-14 ng Septyembre. Pagkalipas ng dalawang linggo babaan pa ito ng 0.5 meters hanggang maging 0.3 meters pag katapos ng isa pang dalawang linggo.

Anila, dahil sa paggamit ng face mask at face shields ay sapat at ligtas na dahilan para baguhin ang isang metrong physical distancing.

Isa din ang Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr., NTF against COVID-19 sumangayon sa usaping ito.

Ito ang mga sumusunod na bilang ng tao na maaring sumakay sa tren:

LRT-1
1-meter: 155
0.75-meter: 204
0.5-meter: 255
0.3-meter: 300

LRT-2
1-meter: 160
0.75-meter: 212
0.5-meter: 274
0.3-meter: 502

MRT-3
1-meter: 153
0.75-meter: 204
0.5-meter: 255
0.3-meter: 286

PNR
1-meter: 166
0.75-meter: 184
0.5-meter: 256
0.3-meter: 320

Para sa mga class 2 na pampublikong sasakyan tulad ng tren at bus maari nadin sumakay ng tayuan ang mga pasahero.

Tataas din umano ang bilang ng pasahero sa mga sakayan na ito.

1-meter: 50%
0.75-meter: 75%
0.5-meter: 85%
0.3-meter: 100%

Leave a Reply