By Frances Pio
––
Maaring pumasok si President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos dahil sa kanyang diplomatic immunity bilang pinuno ng bansa, ayos sa isang diplomat ng Washington noong Huwebes.
“The fact is, when you’re a head of state, you have immunity in all circumstances and are welcome to the United States in your official role,” sinabi ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman sa mga reporters sa isang roundtable discussion sa Pasay City.
Bago ito, tinapos niya ang isang araw ng pakikipagpulong sa mga opisyal ng Pilipinas, kasama sina Marcos Jr. at outgoing Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr.
“When someone is the head of state, they have [diplomatic] immunity and would be welcome to the United States,” ika ni Sherma.
Noong 2012, nagpasa ang US Court of Appeals para sa Ninth Circuit ng contempt judgement laban kay Marcos Jr., sa kanyang ina na si Imelda, at sa ari-arian ni Ferdinand Marcos Sr. dahil sa paglabag sa isang injunction na nagbabawal sa kanila sa pag-alis ng mga assets ng estate.
Inilabas ang contempt order matapos makipagkasundo ang mga Marcos sa Administrasyong Ramos noong 1992 at pumayag na ibahagi ang kanilang yaman sa gobyerno. Itinuring itong paglabag sa desisyon noong 1991 ng US District Court of Hawaii na nagbabawal sa pamilya Marcos na hawakan ang kanilang mga ari-arian sa US dahil ito ang pinagmumulan ng potensyal na pagbabayad ng pinsala sa mga karapatang pantao na biktima ng batas militar.
Libu-libong biktima ng martial law ang nanalo sa class action lawsuit para sa mga paglabag sa karapatang pantao laban sa ari-arian ni Marcos Sr. sa Hawaii noong 1986, kung saan sila ay ginawaran ng halos $2 bilyon.
Nangangahulugan din ang contempt award na hindi papayagang makatapak ang mga Marcos sa alinmang teritoryo ng US.