Share:

By Frances Pio

––

Nanganganib na malunod ang American Artistic Swimmer na si Anita Alvarez matapos mawalan ng malay sa pool sa world championships sa Budapest nitong Miyerkules bago mailigtas ng kanyang coach na si Andrea Fuentes.

Ang Espanyol na si Fuentes, isang four-time Olympic medalist sa synchronized swimming, ay tumalon sa pool matapos niyang makita si Alvarez na lumubog sa ilalim sa pagtatapos ng kanyang solo free final routine.

Siya ay binigyan ng paunang lunas sa tabi ng pool bago isinakay sa isang stretcher.

Ito ang pangalawang pagkakataon na kinailangan ni Fuentes na iligtas si Alvarez matapos itong tumalon sa pool sa isang Olympic qualification event noong nakaraang taon at hinila patungo sa ligtas na lugar sa tulong ng swimming partner nito na si Lindi Schroeder.

“Anita is much better, she is already at her best. It was a good scare, to be honest,” sinabi ni Fuente.

“I jumped into the water again because I saw that no one, no lifeguard, was jumping in. I got a little scared because she wasn’t breathing, but now she’s fine. She has to rest,” dagdag pa niya.

Sa isang pahayag sa U.S. Artistic Swimming Instagram page, sinabi ni Fuentes na ang 25-anyos na si Alvarez ay susuriin ng mga doktor sa Huwebes bago gumawa ng desisyon sa kanyang paglahok sa team event ngayong Biyernes.

Leave a Reply