Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa Department of Health, pangangasiwaan ng bagong DOH Undersecretary na si Eric Tayag ang mga operasyon ng ahensya sa hilagang bahagi ng Luzon.

Sinabi ng officer-in-charge sa ahensya, Maria Rosario Vergeire, na naatasan si Tayag na pangunahan ang isa sa mga field implementation at coordination team ng DOH.

Kabilang sa mga lugar na nakatalaga niyang pangasiwaan ay ang mga probinsya sa Cordillera, Ilocos Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.

He is in charge of overseeing the operations of our hospitals, our treatment and rehab centers, our regional offices and of course, coordination with local governments through our regional offices there,” anang DOH OIC.

Matatandaang nanumpa si Tayag bilang DOH undersecretary nito lamang nakaraang linggo.

Leave a Reply