Share:

By Frances Pio

––

Nakuha ng UST ang UAAP Season 84 general championship – ang ikalimang sunod ng unibersidad at ika-45 na overall sa collegiate division – sa kabila ng pinaikling season.

Nagbalik ang premier varsity league ng bansa na may bubble setup at walong events lamang ngayong season pagkatapos ng dalawang taong layoff dahil sa pandemya.

Umani ng 84 na puntos ang UST nang maghari ang Tigers sa men’s 3×3 basketball, taekwondo poomsae, men’s beach volleyball, at men’s chess.

Naging isa itong mahigit na labanan, gayunpaman, dahil ang National University ay kulang ng 3 puntos na may kabuuang 81-puntos lamang upang magtapos sa pangalawa sa pangkalahatan sa kabila ng hindi pagsali ng isang koponan sa men’s chess event.

Nangibabaw ang Lady Bulldogs nang masungkit ng NU ang ginto sa women’s events ng volleyball, 3×3 basketball, at chess.

Pumapangatlo ang host na De La Salle University na may 76 points, habang ang University of the Philippines ay sumunod na may 71, na na-highlight ng title romp ng Maroons sa men’s basketball.

Nagtapos ang Ateneo sa ikalima na may 58 puntos, sinundan ng Adamson (42), Far Eastern University (39), at University of the East (3).

Leave a Reply