Inaprubahan na ng gobyerno ang one sit apart policy sa mga pampublikong sasakyan para daw makapagsakay sila nang mas marami pang pasahero.
Ayon sa DOTR pwede nang umupo ang mga pasahero na mag kakatabi basta’t may nakalagay na plastic barrier sa pagitan nila at gagamitan ng UV light para sa pag disinfect ito ay epektibo kaagad.
“Meron pong option ‘yan na payagang magkakatabi ang mga pasahero basta’t merong plastic barrier sa kanilang pagitan o di kaya gagamit sila ng UV light para sa disinfection.” ani ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran sa ABS-CBN’s Teleradyo.
Mag lalabas din ang DOTR ng memorandum circular patungkol sa mga guidelines at policy na kailangan sundin sa pag papatupad nito.
Ang sabi naman ni Professor Guido David, miyembro ng the OCTA Research Group sila ang mga nag a-analyze ng coronavirus data sa bansa ito ay mauuwi sa over crowding.
“If we reduce this further and mamaya tabi-tabi na ang mga tao, that could be a problem because we’ll now have overcrowding in public transport and we’ll know for a fact that overcrowding can lead to increased transmission of the virus,” ang sabi niya sa ANC’s Headstart.
Binuksan na rin ang mga iba pang ruta ng bus at jeepney sa ibat ibang lugar at marami narin pinayagan na mga roadworthy PUVs na mag operate, pahayag ni Libiran