Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Sinabi ng officer-in-charge ng Department of Health na si Maria Rosario Vergeire sa isang media forum ng ahensya nitong Martes, Enero 30, na handa na siyang maging kalihim nito.

“It will go in a process where I can discuss this with the President, that I am now ready to be appointed, if and when that will be his decision,” aniya sa DOH media forum.

Kinlaro din ni Vergeire na siya mismo ang makikipag-usap kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ukol dito.

“Pero hindi niya kailangan akong lapitan para maging secretary of health ako. Ako po ang magsasabi sa kanya, ako po ang makikipag-usap sa kanya,” anang opisyal.

Sabi niya, marami siyang nakitang mga oportunidad nang siya ay nakipagtrabaho sa iba’t ibang grupo sa “baba” sa na kaya niyang baguhin at pamunuan ang reporma.

“Noong nakita ko ‘yung oportunidad, sa tingin ko mukhang this would convince me to really take on the position because as you all know I have a lot of hesitancies because of my career executive position, the tenure of this position,” sabi ni Vergeire matapos banggitin ang kanyang mga naging karanasan sa loob ng anim na buwan.

“Pero sa tingin ko ngayon with all of these things happening at sa lahat lahat ng trabahong kailangan gawin for us to really improve our healthcare system, sa tingin ko, this is the appropriate time for me to help the country,” dagdag pa niya.

Aniya nang tanungin kung may pag-aatubili pa ba siya, ipinaliwanag ni Vergeire na laging naroon ang pag-aatubili.

“The hesistancies will always be there there are a lot of issues, considerations, but syempre mananaig pa rin  kung ano talaga ‘yung gusto mong gawin,” aniya.

“Sa tingin ko I’ve reached that point na ito na ‘yung time para makatulong talaga ko sa ating bansa,” dagdag pa niya.

Simula noong umupo sa pagkapangulo si Pangulong Marcos, bakante at wala pang naitatalaga para sa naturang posisyon.

Leave a Reply