Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Miyerkoles, sinabi ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez na hindi kawalan sa kanya ang pagpapatalsik mula sa partido ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na Partido Federal ng Pilipinas.

Sabi ni Rodriguez sa isang panayam, “Wala naman sa akin iyon. Hindi naman kawalan.”

Nalungkot naman ang dating kalihim dahil sa hakbang ng partido na ibunyag ang dapat ay panloob na usapin sa media.

Bagama’t inilarawan ito bilang paghuhugas ng maruruming mukha sa publiko na diumano’y nakatutulong sa pangulo.

Sabi pa ni Rodriguez na iyon ay isang “internal matter” na dapat ay panloob na niresolba.

“Kaya lang, eh ginamit nila iyong naging desisyon nila at instead na ako ang bigyan ng kopya, binigyan ang media. Anong layunin? Hiyain lamang ako. Hindi na ako papayag,” aniya.

Hindi aniya maintindihan kung bakit kailangan pang magpadala ng kopya ng “simpleng reorganization ng isang kaliit-liit na partido” sa media.

“Magbabago ba ang presyo ng asukal kahapon at ngayong araw pag nag-reorganize ang partidong iyan? Hindi naman,” giit ni Rodriguez.

Leave a Reply