Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Naghain sa Senado si Senator Mark Villar ng isang panukalang batas na naglalayong gawing institusyonal ang pagbibigay ng transportation allowance sa mga empleyado ng pamahalaan.

Ang paghahain ni Villar ng Senate Bill No. 1625 o “An Act Institutionalizing the Grant of Transportation Allowance for All Government Employees and Appropriating Funds Therefor,” ay nakatuon sa pagbibigay ng P2,000 transportation allowance sa lahat ng mga government employees.

Anang senador sa panukalang ito, malaking bahagi ng pera ng mga naturang empleyado ay napupunta sa transportasyon.

Dagdag pa rito, ipinaliwanag ni Villar sa explanatory note ng SBN. 1625, kinakailangan ng mga empleyado ng pamahalaan na maglaan ng malaking bahagi ng kanilang badyet para sa kanilang transportasyon, kaugnay ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.

“In order to ease the financial burden of the government employees, this measure proposes to grant all of them transportation allowance,” dagdag pa nito.

Matatandaang epektibo simula ngayong araw, Enero 24, ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo, gaya ng gasolina, diesel, at kerosene.

Leave a Reply