Madadagdagan umano ang voting period sa darating na eleksyon dahil na nga sa pandemya na ating nararanasan sa bansa. Dalawa hanggang tatlong oras ang maaaring idagdag ayon sa isang opisyal ng Commission on Election.
Ito ay inanunsyo ni Comelec Commissioner Antonio Kho Jr sa isang forum na naganap patungkol sa darating na eleksyon sa taong 2022.
“The direction we are going is to hold it in a day with extended voting hours. That is almost sure,” ayon kay Kho.
“Eight hours won t cut it. It could run 10 or even 12 hours, depending also on the capacity of the teachers.” dagdag pa niya.
Ang mga guro umano ang tatayong Board of Election Inspector sa ating bansa.
“Most probably, there will be additional two or three hours,” ani Kho.
Samantala, imposible umano na mapalawig pa ang isang araw na eleksyon dahil ito ay paglabag sa batas at kinakailangan munang magpasa ng batas ang Congress patungkol dito.
“We might need Congress [to amend the law] for that. Kung gawin kasi natin tapos may mag-kwestiyon sa Supreme Court, patay na lahat,” ayon kay Kho.
Tinitignan din ang bilang ng mga botante na maaaring bumoto sa kada presinto upang masunod ang social distancing. Gayundin, ang pagbili ng 10,000 Vote Counting Machine na gagamitin sa eleksyon ay inaasahan din.
“We have 97,000 VCMs, but of course, some of them need to be repaired [or] refurbished and we don’t expect them to be all okay, so we are looking at buying 10,000 more VCMs to comply with the 800 per precinct ratio,” ayon kay Kho.
Wala umanong dahilan upang ipagpaliban ang eleksyon sa susunod na taon ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez.