Share:

By Frances Pio

––

lnihayag ni Bise Presidente Leni Robredo ang kanyang mga plano nitong Biyernes sa pagbaba mula sa puwesto ngayong darating na Hulyo habang pinasasalamatan niya ang naging malawak na volunteer-driven na kampanya para sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo, na paulit-ulit niyang tinawag na hindi pa nagagawa at makasaysayan.

Sa isang talumpati sa kanyang thanksgiving rally sa Quezon City campus ng Ateneo de Manila University, sinabi ni Robredo na siya at ang mga organizer ng kampanya sa lokal na antas ay maglulunsad ng isang Angat Buhay non-government entity upang tulungan ang mga nasa laylayan kung saan tinawag niyang “widest volunteer network” sa kasaysayan ng bansa.

Pagtitibayin ng NGO ang pangalan ng flagship ng anti-poverty program ng Office of the Vice President na kalaunan ay naging slogan ng kanyang kampanya.

Hinimok din ni Robredo ang kanyang milyun-milyong tagasuporta na labanan ang ilang dekada nang makinarya na nagpapakalat ng “hate and lies.”

“Ninakaw nito ng katotohanan, kaya ninakaw din ang kasaysayan, pati na ng kinabukasan. Disinpormasyon ang pinakamalaki nating kalaban,” ika ni Robredo.

Nakilala si Robredo bilang pangunahing biktima ng disinformation sa kampanya habang ang kanyang karibal sa pagkapangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pinakamalaking benepisyaryo nito.

Leave a Reply