Share:

By Frances Pio

––

Ginawaran si Vice President Leni Robredo ng Golden Peacock Award of Excellence para sa kanyang mga kontribusyon sa pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at India.

Ipinagkaloob ng Federation of Indian Chambers of Commerce Philippines Inc. (FICCI) kay Robredo ang parangal nitong Biyernes, Hunyo 17.

Personal na iniabot ni FICCI President Rex Daryanani at iba pang board members ng federation ang parangal kay Robredo sa kanilang pagbisita sa kanyang opisina.

Ipinahayag ni Robredo ang kanyang pasasalamat sa FICCI sa pakikipagtulungan sa programang Angat Buhay na isinagawa niya sa ilalim ng kanyang termino sa panunungkulan.

Ipinarating din ng FICCI sa papaalis na Bise Presidente ang intensyon ng kanilang grupo na patuloy na suportahan ang Angat Buhay initiative na inaasahan na maging non-government organization kapag natapos na ang termino ni Robredo.

Ang Angat Buhay program ay isinagawa upang magbigay ng tulong sa mga Pilipinong nangangailangan sa panahon ni Robredo sa panunungkulan.

Pagkatapos ng kanyang termino, ito ay inaasahang maging isa sa pinakamalaking volunteer-driven NGOs sa bansa

Leave a Reply