By: Jen Lopez
Marami ang napapamalitang mga empleyado mula sa mga business process outsourcing (BPO) companies ang nais magresign kung hindi ipatutupad ang pageextend ng work-from-home.
Ito ay batay sa mga talakayan ng Alliance of Call Center Workers (ACW) sa mga miyembro nito, dahil sa kamakailang hindi pagtanggap ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) sa apela na pahabain pa ang remote-work arrangements.
Ayon sa kanila, ang mga manggagawa ay dapat magtrabaho sa kanilang mga opisina simula ika-1 ng Abril. Kung hindi, mawawalan ng mga incentives ang mga kumpanyang IT-BPM gaya ng mga tax break.
“May iilang mga empleyado na ang pumapayag na magresign,”ayon kay ACW co-convenor Emman David.
(There is a significant number of workers who are willing to resign)
“Ngunit hindi ito senyales ng pagproprotesta, kung di pagpapakita na abala ito para sa mga empleyado”
(But this should not be taken as a sign of protest [to the FIRB’s decision], rather it is a sign of inconvenience.)
Dagdag pa ni David, maraming BPO workers ang umalis sa kani-kanilang mga inuupahang bahay sa Metro Manila upang umuwi sa kanilang mga probinsya dala-dala ang kanilang mga gamit na kailangan nila upang makapagtrabaho.
“Paano kung sabihin muli ng gobyerno na bumalik muli ang lahat sa work-from-home set up?”
(So, what if there’s an order again and if the government changes its mind that the work-from-home setup should be implemented again)
Tugon rin ni ACW co-convenor Lara Melencio sa kasalukuyang desisyon ng FIRB,
“Nais lang namin na hayaan kaming mamili. Dahil sa huli, kami rin ang mahihirapan kapag ibinalik kami sa opisina”
(We just want them to give us a choice. Because ultimately, we will be the one who will undergo hardships if we are ordered to go back to our offices)
Ani pa niya, na ang trabaho nila bilang call center workers ay kinagawiang ginagawa sa labas ng opisina, lalo pa’t nasa ibang bansa ang mga kliyente ng mga BPO companies.
“Kung kakayanin naman natin magtrabaho kahit saan basta dala natin ang mga kailangan nating gamit, may internet and kuryente. Bakit hindi nalang ganon ang gawin natin?”
(If we can work anywhere as long as we have the equipment, the internet connection, and the electricity, why can’t we just stay with that?)
Ani pa niya, dalawang taon nang nagtratrabaho ang mga empleyado ng BPO companies sa ilalim ng work-from-home set up magmula noong nagkapandemya. At ngayon, kulang-kulang isang buwan nalang ang ibinigay sa kanila upang makapaghanda bago bumalik sa kanilang opisina.
