Sinusubaybayan ng Bureau of Quarantine (BOQ) at nakikipag-ugnayan na sa 182 pang manlalakbay mula sa South Africa na dumating sa Pilipinas mula Nobyembre 15 hanggang 29, sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes.
Batay sa datos ng DOH, may kabuuang 253 manlalakbay mula sa South Africa, na binubuo ng 249 na bumalik na mga Pilipino at apat na dayuhan, ang dumating sa Pilipinas. Sa kabuuan, 71 sa kanila ang nahanap na.
Sa 71 indibidwal, tatlo ang nagnegatibo sa COVID-19 at nakabinbin pa rin ang resulta ng pagsusuri ng isang manlalakbay. Pinoproseso pa rin ang resulta ng pagsusuri ng 67 iba pa.
Pitumpu pa sa kanila ang sumasailalim sa facility-based quarantine habang ang isa ay naka home quarantine.
Pansamantalang ipinagbawal ng gobyerno ang mga papasok na flight mula sa South Africa at 13 iba pang bansa mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 15 kasunod ng banta ng Omicron variant. (By: Frances Pio)
