2,400 apektado ng pinsalang iniwan ni Bagyong Henry – NDRRMC
Nag-iwan ang bagyong ‘Henry’ (international name: Hinnamnor) ng mahigit 2,400 na apektadong indibidwal at halos P61.3 milyong halaga ng mga nasirang imprastraktura, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules.
Sa pinakahuling ulat ng sitwasyon, sinabi ng NDRRMC na nakapagtala ito ng kabuuang 2,442 indibidwal o 727 pamilya na naapektuhan ng bagyo sa tatlong rehiyon — Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region (CAR) — sa Luzon.
Wala ring naiulat na karagdagang pagkamatay at pinsala, dahil nananatiling isa ang nasawi sa ulat ng NDRRMC.
Labindalawang imprastraktura, samantala, ang naiulat na nasira sa Cordillera Administrative Region (CAR) lamang, na tinatayang nagkakahalaga ng P61,372,000.
Iniulat din ng NDRRMC na ang mga apektadong residente sa Ilocos Region at CAR ay nakatanggap na ng P316,300 na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development at kani-kanilang local government units.
Ang bagyong Henry ay lumabas sa Philippine area of responsibility noong Linggo, Setyembre 4.
